PAGSUBMIT NG RESULT
Pumunta sa link ng Results page at pindutin ang "Post an Activity". Isubmit ang iyong oras, resulta at mag-attach ng proof of activity. Gamitin ang iyong confirmation number at apelyido upang kumpirmahin ang iyong account bago isubmit ang mga results. Ito ay matatagpuan sa confirmation email na ipinadala ng Race Roster pagkatapos magregister.
Para sa mga participants na may GPS app, fitness watch, treadmill or bike trainer, isubmit ang alinman sa mga sumusunod:
- Screenshot ng iyong ruta
- Larawan ng app o fitness watch
- Larawan ng treadmill or bike trainer dashboard
Para sa mga participants na walang app o gadget, isubmit ang alinman sa mga sumusunod:
- Larawan ng relo, timer, o phone.
- Larawan or selfie habang tumatakbo, naglalakad ,o nagbibisikleta
- Kung ikaw ay may pedometer (steps counter), iconvert ito sa kilometer. Pumunta lamang sa https://www.easyunitconverter.com/steps-to-km
- Maaari din iconvert ang oras sa kilometer.
30mins ng pagtakbo ay katumbas ng 2.5 kilometers.
Time | equivalent to KM | Time | equivalent to KM | |
00:30 | 2.5km | 02:30 | 12.5km | |
00:45 | 3.75km | 02:45 | 13.75km | |
01:00 | 5km | 03:00 | 15km | |
01:15 | 6.25km | 03:15 | 16.25km | |
01:30 | 7.5km | 03:30 | 17.5km | |
01:45 | 8.75km | 03:45 | 18.75km | |
02:00 | 10km | 04:00 | 20km | |
02:15 | 11.25km |
30mins ng pagbibisikleta ay katumbas ng 15 kilometers.
Time | equivalent to KM | Time | equivalent to KM | |
00:30 | 15km | 02:30 | 75km | |
00:45 | 22.5km | 02:45 | 82.5km | |
01:00 | 30km | 03:00 | 90km | |
01:15 | 37.5km | 03:15 | 97.5km | |
01:30 | 45km | 03:30 | 105km | |
01:45 | 52.5km | 03:45 | 112.5km | |
02:00 | 60km | 04:00 | 120km | |
02:15 | 67.5km |
TANDAAN
1. Siguraduhin na ang petsa, oras, at distansya ay nakasaad sa iyong pagsubmit.
2. Piliin ang iyong nakaregister na kategorya sa dropdown menu bago i-click ang "Post an Activity" button.
3. Pagkatapos ilagay ang mga detalye ng iyong resulta, iclick ang "Submit an Activity" nang ISANG beses lamang. Karaniwang tumatagal ng 5-10 seconds para mag-load sa susunod na pahina.
E-CERTIFICATE
Ang E-Certificate ay ipadadala sa email pagkatapos ng virtual event sa January 8, 2022.
E-BADGE
Ang E-Badge ay automatic na lalabas sa iyong dashboard pagkatapos mong magsubmit ng mga resulta.
DISTANCE GOAL AT DISTANCE REMAINING
Ang Distance goal at Distance remaining ay limitasyon lamang ng isang participant. Hindi ito kailangan tapusin o kumpletuhin. Matatanggap nyo ang mga add-ons at e-certificate sa kahit anumang matapos na distansya o kilometro.
Kung nagkakaproblema ka pa rin sa pagsubmit, mangyaring mag-email sa takbongpagasa@gmail.com.